Roxas night market bombing, inalala ng mga taga-Davao

ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2017 02:37 PM

Ginunita nitong Huwebes ang Roxas night marketing bombing sa Davao City, isang taon makalipas ang malagim na pagsabog.

Pinangunahan ni Davao Archbishop Romulo Valles ang misa sa memorial marker sa Roxas Avenue. 

Dinaluhan ito ng pamilya ng 15 na namatay at 69 na nasaktan sa pagsabog.

Muling humingi ng tawad si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga biktima ng pambobomba.

"I am sorry that it happened and I am sorry we have to do this every year. We have to remember those who passed and you have to relive the tragedy," ani Duterte.

Nangako rin ang alkalde na patuloy na tutulungan ng lokal na pamahalaan ang mga biktima.

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng P9-milyong trust fund at P7.5 milyon para sa livelihood at medical maintenance ng mga biktima. P4 milyon naman ang inilaan para sa paggaling ng mga nasaktan sa insidente.

Nagdaos ng candle lighting at flower offering sa memorial marker matapos ang misa. -- Ulat ni Vina Araneta-Pilapil, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.