57 video karera, 7 sugarol timbog sa Cebu

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2017 08:28 AM | Updated as of Sep 01 2017 08:29 AM

CEBU CITY - Nakumpiska ang 57 na video karera at mole-mole machines sa isang operasyon dito sa lungsod, Huwebes.

Ayon kay Inspector Llewelyn Lawas, tagapagsalita ng Cebu City Police Office, 44 na video karera machines at 13 mole-mole machines ang kanilang nakumpiska sa raid na bahagi ng kampanya laban sa iligal na sugal dito.

Arestado rin ang 7 taong nahuling nagsusugal gamit ang mga machines, kasama na rito ang isang menor de edad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.