Patay na baby dugong, natagpuan sa Davao Oriental

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 12:59 PM | Updated as of Aug 31 2017 01:05 PM

Isang patay na baby dugong ang natagpuan sa Dahican, Mati City. Kuha ni Bayan Patroller Winston Plaza

Isang patay na baby dugong ang natagpuan sa Dahican, Mati City, Davao Oriental, umaga ng Miyerkoles.

May sugat ito sa flippers at posibleng nasa 36 hanggang 48 hours nang patay ayon kay Dr. Lea Jimenez, Direktor ng Regional Integrated Coastal Resource Management Center ng Davao Oriental State College of Science and Technology.

Isang patay na baby dugong ang natagpuan sa Dahican, Mati City. Kuha ni Bayan Patroller Winston Plaza

Tinatayang isang taong gulang pa lamang ang baby dugong na may bigat na 10 hanggang 15 kg at habang 1.21 meters. 

Inaalam pa ang sanhi ng kamatayan pero tinitingnang anggulo ang posibleng pagka-trap nito sa isang fish net. 

Dadalhin ang dugong sa Davao Oriental State College of Science and Technology upang ma-preserba ito.