Higit 14,000 estudyante, nagsayaw ng cha-cha para sa world record

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2016 04:53 PM

Sabay-sabay na sumayaw ng cha-cha ang higit 14,000 estudyante sa Kidapawan City, North Cotabato.

Mapapanood sa video na kuha ng Bayan Patroller ang hilera ng mga estudyanteng sabay-sabay ang pag-indak para masungkit ang world record mula sa Singapore para sa pinakamalaking cha-cha dance sa mundo.

May 3,379 kalahok ang Singapore nang makuha nila ang world record.

Malalaman sa loob ng isang buwan kung tagumpay na nakuha ng Pilipinas ang Guinness World Record para dito.