Taxi driver, nanaksak ng pasahero sa Baguio City

Teomar Bautista, ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2017 08:26 PM

BAGUIO CITY - Patay ang isang pasahero matapos itong saksakin ng driver ng sinasakyang taxi sa Baguio City.

Kinilala ang biktima na si Harold Chomacog, isang land surveyor. Natagpuan siyang patay sa San Carlos Heights, Baguio City noong Agosto 22.

Ayon kay Senior Inspector Pablo Emmanuel Nead, isang taxi driver ang pumatay kay Chomacog dahil umano sa hindi pagkakaintindihan sa destinasyon ng biktima.

Sinaksak ng drayber si Chomacog sa dibdib at braso gamit ang kutsilyo.

Sumuko ang suspek sa Mapandan Police sa Pangasinan at kasalukuyan nang nakakulong sa Baguio City Jail.

Tumanggi muna ang pulisya na pangalanan ang suspek, na haharap kasong homicide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.