Lalaki patay matapos mahagip ng truck sa Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2017 11:35 PM | Updated as of Aug 26 2017 11:37 PM

Patay si Filgy Catian matapos mahagip ng isang wing van sa Liloan, Cebu Sabado ng hapon.

Patay ang isang lalaki matapos mahagip ng isang wing van nang matumba ang minamanehong motorsiklo sa Barangay Cotcot, Liloan, Cebu nitong Sabado.

Kinilala ang biktima bilang si Filgy Catian, 23.

Ayon kay PO3 Walter Quirol, sinubukang i-overtake ng biktima ang bike na nasa harapan nito ngunit nawala sa balanse ang motorsiklo ni Catian.

Natumba sa kalsada ang motorsiklo at nahagip ng wing van ang ulo ng biktima.

Inaresto na ang driver ng truck na si Benedicto Canales na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.