Iskultura ni Capt. Jose Calugas, 'pinugutan'

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2017 03:11 PM

LEON, Iloilo – Nabulabog ang mga residente ng Leon sa Ilolilo matapos na madiskubreng wala nang ulo ang iskultura ng kanilang bayani ng bayan na si Capt. Jose Calugas Lunes ng gabi.

Ayon sa mga pulis, may nakita silang basag-basag na parte ng bust sa lapag nang kanila itong puntahan para imbestigahan.

Sinabi ni SPO4 Romel Samson, Deputy Chief of Police ng bayan ng Leon, may mga estudyanteng nasa plaza noong Lunes ng gabi.

Posible natakot umano ang taong nakasira sa bust at kanya inihagis ang natanggal na ulo sa sahig. MAaari rin umanong nahulog ang ulo dahil hindi na matatag ang pagkagawa dito.

Kilala na ng pulisya ang ilang personalidad na posibleng responsable sa pagkasira ng iskultura ni Calugas.

Si Capt. Calugas ay tubong Leon na lumaban para sa kalayaan ng bansa noong World War II.

Ang bust ay nai-donate sa bayan ng isang unibersidad ilang taon na ang nakalipas.


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.