Biyahe ng ilang bus, kinansela dahil sa bagyong 'Jolina'

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2017 12:16 AM

Sinuspende ang biyahe ng bus na patungo sa ilang probinsiya kung saan nakataas ang tropical cyclone warning signal no. 2 dahil sa bagyong 'Jolina'. 

Sa pahayag na inilabas ng Department of Transportation – Land Transportation Franchising and Regulatory Board, sinabing suspendido muna ang biyahe ng bus papunta sa mga sumusunod na lugar ngayong Agosto 25:

- Isabela;
- Aurora;
- Quirino;
- Kalinga; 
- Mountain Province;
- Ifugao;
- Benguet;
- Abra;
- La Union;
- Nueva Vizcaya 

Inabisuhan ang mga bus na patungo sa mga nasabing lugar na manatili muna sa mga terminal upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pasahero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.