5 sugatan matapos araruhin ng van sa Caloocan

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2017 05:15 PM

MANILA - Lima ang sugatan matapos araruhin ng isang L300 van sa bangketa sa Serrano Avenue, Caloocan City Biyernes ng hapon.

Kabilang sa mga sugatan ang dalawang binatilyo, isang batang babae at isang ginang.

Nagtamo ng minor injury ang mga biktima at agad nilapatan ng lunas.

Malubha naman ang lagay ng driver ng L300 van na isinugod sa Manila Central University Hospital.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng driver ng van na may plakang WPT 817.

Abangan ang iba pang detalye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.