Bagyong Isang, magpapaulan sa Batanes

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2017 06:29 PM

Napanatili ng bagyong Isang ang lakas nito habang kumikilos sa ibabaw ng dagat.

Base sa pinakahuling “severe weather bulletin” na inilabas ng PAGASA nitong alas-5 ng hapon, Linggo, Agosto 20, namataan ang sentro ng bagyo 715 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.

Inaasahang kikilos ang bagyo nang pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 19 kilometro kada oras.

May lakas itong 55 kilometro kada oras malapit sa sentro at may bugsong 65 kilometro kada oras.

Maaaring makaranas ng malalakas na ulan sa mga lugar na saklaw ng 300 kilometrong diameter ng bagyo.

Nakataas ngayon ang “tropical cyclone warning signal No. 1” sa Batanes group of islands at sa Babuyan group of islands.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.