ALAMIN: 9 bus terminals sa EDSA, ipinasara

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2017 03:43 PM

MANILA - Ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Huwebes ang 9 na bus terminal sa EDSA, Quezon City dahil sa ilang paglabag sa alituntunin. 
 
Saklaw ng utos ang mga terminal ng ES Transport, Lucena Lines, Golden Bee Transport, Amihan Bus Lines, First North Luzon, Golden V, Jac Liner, Five Star at Philtranco. 

Kabilang sa mga umano'y paglabag ng mga naturang terminal ay ang kawalan ng business permit. 

"Naglabas na ng closure ang ating Permits and Licensing Office ng Quezon City," sabi ni MMDA Chairman Danny Lim sa mga reporter. 

I-refresh ang link na ito para sa mga update. - May ulat nina Zhander Cayabyab at Raya Capulong, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.