72 kinatay na aso, nadiskubre sa Imus

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2017 04:17 PM

Photo courtesy of Mayor Emmanuel Maliksi's Facebook page

Kinondena ng lokal na pamahalaan ng Imus sa Cavite ang ilegal na kalakal ng karne ng aso.

Sa Facebook page ni Mayor Emmanuel Maliksi, iniulat niya doon ang pagkakadiskubre sa iligal na kalakaran matapos na maaksidente ang isang pick-up truck sa Daang Hari sa panulukan ng Aguinaldo Hi-way Huwebes ng umaga.

Photo courtesy of Mayor Emmanuel Maliksi's Facebook page

Nakita umano ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya na may kargang 72 kinatay na aso ang pick up na may plakang RFG 527. Ang mga kinatay na aso ay tinakpan ng makapal na trapal sa likod ng pick up.

"We will ensure that this case will be punishable by law and measures will be carried out to properly address this matter," ani Maliksi.

Sa ilalim ng batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkitil sa buhay ng aso upang gawing pagkain. 

Kung sinuman ang mahuling lumabag sa batas na ito ay maaaring maparusahan ng pagkakabilanggo ng hindi kululang sa 6 na buwan o pagbabayarin ng multa na hindi bababa sa P1,000. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.