27 biktima ng human trafficking, iniligtas sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2017 05:16 AM | Updated as of Aug 17 2017 11:50 PM

MAYNILA -- Dalawampu't-pitong indibidwal ang iniligtas ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Road 10 at Juan Luna Street, Tondo Miyerkoles ng gabi.

Arestado naman ng Philippine National Police Anti-Trafficking Division ang apat na babaeng tumangging mapangalanan.

Batay sa inisiyal na impormasiyong nakalap sa pulisya, binebenta sa halagang P2,000 hanggang P3,000 ang mga babaeng menor de edad para makipagtalik sa mga dayuhan o negosyanteng Pilipino. 

Kung birhen naman sila, itinataas ang halaga sa P30,000 hanggang P40,000.