250 pamilya nasunugan sa Maynila

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2017 09:15 AM | Updated as of Aug 17 2017 12:36 AM

Nawalan ng tahanan ang nasa 250 pamilya makaraan masunog ang isang residential area sa Barangay 645 sa San Miguel, Maynila Miyerkoles ng madaling-araw. 
 
Nagsimula ang apoy mula sa napabayaang kandila sa bahay ng isang Oriel Degala na naputulan ng kuryente, ayon kay Senior Supt. Roel Jeremy Diaz ng Bureau of Fire Protection (BFP). 

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na gawa sa light materials, dahilan para itaas ang Task Force Bravo pasado alas-5 ng umaga. 

Natupok ang mahigit 100 bahay at naabo ang mahigit P2 milyon na halaga ng ari-arian bago nakontrol ang sunog bandang alas-6 ng umaga. 
 
Itinakbo naman sa ospital ang 2 residenteng nasugatan habang inaapula ang sunog. -- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.