Napabayaang sinaing, tumupok sa 10 bahay sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2017 06:29 PM

DAVAO CITY- Sampung bahay ang natupok sa Barangay Matina Crossing, Davao City nitong Martes ng umaga.

Ayon sa BFP, 4 na bahay ang totally damaged habang 6 naman ang partially damaged sa Arroyo compound, Brgy.Matina Crossing.

Ayon naman kay SFO1 Dexter Avendanio, napabayaang sinaing ang dahilan ng sunog na nagsimula sa bahay ni Gary Decatoria.

Nagulat na lang umano ang residenteng si Marilyn Pacala nang biglang makita ang malaking apoy na lumamon na sa kanilang buhay mula sa kanilang kapitbahay.

Maliban sa kaunting pera mula sa kita ng kanilang tindahan at kaunting damit na naisalba, nasunog ang kanilang mga appliances, P100,000 na pera, gadgets at alahas ng Pamilya Pacala.

Mahigit kumulang P1 milyon ang pinsala ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.