Lebel ng tubig sa Marikina River, patuloy na bumababa

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2018 05:47 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Marikina River nitong Lunes.

Kaninang 4:30 ng madaling-araw, nasa 16.7 meters na ang water level sa ilog.

Kaninang alas-12 ng madaling araw, nasa 17.6 meters ito, bumaba sa 17.1 meters kaninang alas-3 at 16.9 meters naman kaninang alas-4.

Ang alarm level 1 ay nasa 15 meters, alarm level 2 naman ay nasa 16-17 meters o ibig sabihin ay dapat maghanda, at ang alarm level 3 ay nasa 18 meters o force evacuation na.

Bagamat bumababa ang lebel ng tubig, nasa alarm level 2 pa rin ang Marikina River.

Kaya may mga lugar pa rin na hindi pa puwedeng balikan ng ilang evacuees.

Base sa tala ng Marikina, as of 12:30 ng madaling-araw, nasa 4,369 pamilya o 21,285 katao ang nasa 22 evacuation centers. - ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.