2 nagpanggap na taga-Customs arestado; 'buy-and-sell' modus bistado

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2017 07:05 PM | Updated as of Aug 15 2017 12:18 AM

MAYNILA -- Arestado ang dalawang nagpanggap na empleyado ng Bureau of Customs sa ikinasang entrapment operation ng pulisya sa Port Area. 

Kinilala ang mga suspek na sina Romello Muring at Julius Sarmiento na nagbebenta umano ng gamit sa buy-and-sell website.

Ang modus, makikipagkita ang dalawa sa convenience store malapit sa Customs. Doon nila kukunin ang bayad kahit hindi pa dala ang ibinebentang gamit.

Pagkuha sa pera, papasok ang dalawa sa gusali ng Customs saka mangangakong babalik dahil ipoproseso pa raw ang gamit. Pero hindi na sila magpapakita uli.

Sa entrapment operation, kinuha ng dalawa ang marked money na P75,000 bilang bayad sa buy-one-take-one na gadgets.

Kompiskado sa dalawa ang mga ID ng iba pang empleyado ng Customs. Sabi nina Muring at Sarmiento, napagutusan lang sila ni Atty. Louie Santiago na batay sa ID ay isang deputy custom collector.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.