1 patay sa sunog sa Davao City

Francis Magbanua, ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2017 09:46 AM | Updated as of Aug 12 2017 10:21 AM

Mga residente ng Barangay 21-C, lumikas dahil sa sunog sa Davao City. Francis Magbanua, ABS-CBN News

DAVAO CITY (UPDATE) - Isa ang patay matapos matupok ang higit 30 kabahayan sa isang sunog dito Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Zenaida Tan, 60, na hindi na nakalabas ng bahay sa gitna ng sunog na sumiklab sa Purok 69, Barangay 21-C, pasado alas-5 ng umaga. 

Ayon sa kapatid ni Tan na si Nero, pilit pa nilang hinila ang kapatid kasabay ng kanilang ina papalayo sa apoy, pero nagpaiwan ito sa loob ng bahay. Dahil differently abled ay hindi na umano nakalabas ng bahay mag-isa si Tan.

Sa oras na ito ay inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog at kung may iba pang nasugatan. 

Higit 30 bahay, tinupok ng apoy sa Barangay 21-C, Piapi Boulevard, Davao City. Bayan Patroller Jane Panao

Mga residente, pilit na inaapula ang apoy sa Barangay 21-C, Piapi Boulevard, Davao City. Courtesy: Alvin Tranjia

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.