1 patay sa banggaan ng van at SUV sa SCTEX

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2017 11:43 PM

Isang SUV ang dumiretso sa damuhan pagkatapos ng banggan sa Mabalacat, Pampanga Sabado ng hapon. Handout

Patay ang isang babae habang sugatan naman ang 13 iba pa sa banggaan ng van at SUV sa northbound lane ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa bahagi ng Mabalacat, Pampanga, Sabado ng hapon.

Idineklarang dead on arrival ang isang babaeng sakay ng van.

Ayon sa inisyal na report ng Mabalacat Police, tatabi sana sa emergency lane ng SCTEX ang isang SUV ni Melecio Torio, residente ng Isabela, nang salpukin ito sa likuran ng van na minamaneho ng isang Randy Javier ng Valenzuela City.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay dumiretso ang SUV sa damuhan habang nawasak naman ang unang bahagi ng van.

Agad isinugod sa ospital ang mga sugatan upang lapatan ng lunas.

Nahaharap ang driver ng van sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to property.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.