Alagang ahas, aso ng 'narco-mayor' Espinosa pinabayaan na

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2016 03:25 PM | Updated as of Aug 12 2016 03:58 PM

Albuera, Leyte- Ilan sa mga alagang hayop ng pamilya Espinosa tulad ng sampung iba't ibang uri ng ahas, at tatlong high breed na aso ay napabayaan na, matapos ang pagkakakulong ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

Matatandaang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Espinosa at ang kaniyang anak na si Kerwin bilang mga opisyal na umano'y nakikinabang sa bentahan ng droga. 

Sumuko ang nakatatandang Espinosa bago pa man matapos ang 24-hour ultimatum na itinalaga ni Duterte habang ang anak naman na si Kerwin ay matagal nang nakalakas ng bansa. 

Sa kanilang tahanan sa Albuera, ang mga alagang ahas at aso ay siyam na araw na umanong hindi napapakain. 

May dalawang sawa ang namatay na rin matapos na mapabayaan. Ilang manok na panabong ni Kerwin ang ninakaw naman ng ilan sa kanyang mga kapitbahay, ayon sa Philippine National Police.

-- With reports from Geron Ponferrada