TINGNAN: Tambak ng basura inanod ng storm surge sa Manila Bay

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 01:50 PM | Updated as of Aug 12 2018 03:45 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Sangkaterbang basura ang inanod sa pampang ng Manila Bay matapos ang isang storm surge, Sabado.

Naglalakihang alon ang humampas sa breakwater ng Roxas Boulevard dahilan para umabot hanggang sa service road ang tubig na may kasamang basura.

Hinakot ng mga tauhan ng Department of Public Service Office ng Manila City Hall ang mga basura na inanod sa gitna ng kalsada.

Nag-abiso na rin ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga motorista na umiwas muna sa Roxas Boulevard mula sa Kalaw hanggang sa Vito Cruz dahil sa storm surge.

https://twitter.com/kevinmanalo_

https://twitter.com/kevinmanalo_

https://twitter.com/kevinmanalo_

https://twitter.com/kevinmanalo_

https://twitter.com/kevinmanalo_

- ulat mula kina Kevin Manalo at Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.