Taxi, nahulog sa hukay; 2 ngipin ng pasahero, tanggal

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 12:26 PM

MAYNILA - Sugatan ang dalawang pasahero matapos mahulog ang taxi na sinasakyan nila sa hukay sa Lopez Street sa Tondo, Maynila.

Aminado ang driver na si Edgar Pedroso na hindi niya nakita ang harang ng Maynilad na nakapalibot sa hukay. 

Madilim din umano ang lugar.

Sa lakas ng impact, natanggal ang dalawang ngipin ng pasahero na naka-upo sa harapan. 

Nagtamo din ng sugat ang pasahero sa likuran.

Kahit papaano, swerte na rin aniya at hindi nahulog ang buong sasakyan sa hukay na malalim at puno ng tubig.

Nangako naman ang may-ari ng taxi na tutulungan ang dalawang pasaherong nasugatan. -- with report from JEKKI PASCUAL, DZMM
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.