Kawani ng gobyerno, huli sa buy-bust sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 05:47 AM

ILOILO CITY - Arestado ang isang kawani ng gobyerno sa buy-bust operation sa Barangay Fatima, Jaro, Iloilo City Biyernes ng gabi.

Nakadestino sa Iloilo City Government Planning and Development Office ang suspek na may posisyon na Administrative Assistant I.

Ayon kay Chief Insp. Tranquilino Querubin, hepe ng Jaro Police Station, nakuha sa suspek ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu.

Aniya, bago umanong drug personality sa kanilang distrito ang suspek. Minanmanan nila ito ng higit 1 linggo bago isinagawa ang operasyon.

Inaresto rin ng mga pulis ang isang babae na pinaniniwalaang kasabwat ng suspek sa pagtutulak.

Parehong tumangging magbigay ng pahayag ang 2 hinuli.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Nony Basco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.