Basurerong nagtago ng shabu sa loob ng underwear, timbog

Anjo Bagaoisan and Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 09:24 AM | Updated as of Aug 11 2017 09:28 AM

Isang lalaki ang nahulihan ng shabu sa loob ng kanyang underwear habang nagbibisikleta sa Barangay Rizal sa Makati, Biyernes.

Ayon kay Chief Inspector Hideon Ines, hepe ng Makati police station 10, inaresto ang basurero na si Roderick Antonio, 41, dahil sa kahinahinala nitong kilos ng mapadaan sa mga pulis.

Nakuha ang 2 maliit na pakete ng shabu na ibinalot sa pera sa loob ng brief ni Antonio matapos itong kapkapan at paghubarin ng pang-ibaba ng mga awtoridad.

Ayon kay Antonio, napulot niya lamang ang pera at hindi alam na mayroon itong kalakip na droga.

Ngunit hinala ng mga pulis, runner ng droga ang arestadong basurero.

Haharap si Antonio sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.