ALAMIN: Road repairs sa QC, Pasig, Caloocan ngayong weekend

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 06:28 PM

Pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang ilang kalsada sa Quezon City, Pasig City, at Caloocan City, at dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta ngayong weekend dahil sa nakatakdang road reblocking and repair.

Isasagawa ng Department of Public Works and Highways ang road reblocking and repair simula Biyernes, alas-11 ng gabi, sa mga sumusunod na lugar: 

SOUTHBOUND:

- Bonifacio Avenue sa pagitan ng Del Monte St. pagkaraan sa Binhagan St., Quezon City (2nd lane)
- EDSA malapit sa Trinoma, Quezon City (2nd lane)
- C-5 Road malapit sa Julia Vargas, Pasig City
 
NORTHBOUND:

- MacArthur Highway malapit sa Monumento Circle, Caloocan City 
- Mindanao Avenue malapit sa Road 20, Quezon City (2nd lane)
- Manila East Road sa tapat ng SM East Ortigas, Pasig City
- Congressional Avenue Extension sa pagitan ng Visayas Avenue hanggang Tandang Sora Ave., Quezon City (3rd lane)
- Kahabaan ng Quirino Highway sa pagitan ng Regalado Avenue North hanggang La Mesa Dam, Quezon City (2nd lane)
 
WESTBOUND:

- Luzon Avenue sa pagitan ng Commonwealth Ave. hanggang Congressional Ave. Extension, Quezon City (1st lane) 

Muling madadaanan ang mga apektadong kalsada sa Lunes, ika-5 ng umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.