DepEd walang budget pampagamot sa mga guro, kawaning magkaka-COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DepEd walang budget pampagamot sa mga guro, kawaning magkaka-COVID-19

DepEd walang budget pampagamot sa mga guro, kawaning magkaka-COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Walang budget na nakalaan ang Department of Education (DepEd) pampagamot at pampa-ospital sa mga guro at iba pang kawani nito sakaling tamaan sila ng coronavirus disease (COVID-19), sabi ng kagawaran nitong Lunes.

Gayunman, sinabi ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na nag-ambagan naman ang mga empleyado ng DepEd para magkaroon ng pondo o "internal budget" bilang pang-alalay sakaling isa sa mga kawani ang dapuan ng COVID-19.

"For those employees who opted to be treated in private hospitals, they also got assistance from DepEd, but not from the [government] funds but from the personal contributions and collective efforts of the DepEd family," ani Sevilla.

Wala raw kasi sa budget ng pamahalaan ang gamutan para sa COVID-19, ang napaglaanan lang ay ang pagbili ng mga suplay na kailangan para mapatupad ang "minimum health standards."

ADVERTISEMENT

"COVID medication and treatment funding/budgets are not present or appropriated in the existing budget of DepEd. And I think it is true for all national government agencies. What has been allowed to be charged to DepEd funds are the supplies needed for the compliance with the minimum health standards," ani Sevilla.

May ugnayan din daw ang DepEd sa DOH at mga lokal na pamahalaan para mai-refer nang maayos ang mga kawani nilang tatamaan ng COVID-19.

Nauna nang sinabi ng DepEd na maaaring gamitin ng mga kawani nila ang PhilHealth benefits para magpagamot ng COVID-19. — Mula sa ulat nina Jaehwa Bernardo at Jasmin Romero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.