Tulak umano ng droga, timbog sa Cavite

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2018 03:15 PM

GENERAL TRIAS, Cavite - Arestado ang isang umano'y tulak ng droga sa isang buy-bust operation dito, Huwebes.

Dinampot ng mga awtoridad ang suspek na si alyas "John-John" sa Barangay Navarro matapos siyang makuhanan ng video na nagbebenta ng isang pakete ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Sinabi ng suspek sa mga pulis ang iba niya pang kasamahan sa pagtitinda ng droga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.