TIPID TIPS: Mga alternatibo sa bigas tulad ng mais, kamote, patok sa mamimili

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2018 09:35 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi hamak na maraming pamilya ang apektado sa dagdag-presyo ng mga bilihin tulad ng bigas. 

Kaya naman patok ngayon sa mga mamimili ang paghahanap ng alternatibo dito. 

Sa Balintawak Market, patok ang mga root crops para sa mga pamilyang hirap ipasok sa kanilang budget ang bigas. 

  • Kamoteng kahoy - P20 kada kilo 
  • Gabi - P20 kada kilo 
  • Kamoteng baging - P40 kada kilo
  • Saging na saba – P5 kada piraso
  • Mais - P30 hanggang P50 kada kilo. 

Bukod sa mura, masustansiya pa at masagana sa bitamina ang mga ito. 

Puwede pang pageksperimentuhan ang root crops bilang alternatibo para sa mga carbohydrate-rich na pagkain tulad ng noodles.

"Puwede po 'yang gawin noodles, meron pong mga variety na ganun at mapo-proseso po itong kamoteng kahoy, matutuyo, gagawing harina,” aniya.

Ayon naman sa magsasaka na si Rene Cerilla, makatutulong rin sa kanila ang pagtangkilik sa root crops. 

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.