2 umano'y holdaper, 1 sibilyan patay sa engkuwentro sa Bacolod

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2018 08:09 PM

BACOLOD CITY - Patay ang dalawang pinaghihinalaang holdaper matapos makipagbarilan umano sa pulisya, habang isang pedicab driver ang namatay din matapos tamaan ng bala sa engkuwentro nitong Biyernes.

Sa imbestigasyon ng pulis, sa harap ng isang eskuwelahan sila nagpang-abot ng riding-in-tandem.

Apat na sibilyan ang natamaan ng bala sa nangyaring sagupaan.

Isa sa mga biktima ang pedicab driver na natamaan ng bala sa dibdib na agad nitong ikinamatay.

Sugatan din ang isang ginang at dalawang estudyante, isa na rito ang babaeng high school student na anak ng alkalde ng bayan ng Isabela.

Ang dalawang suspek umano ang nasa likod ng panghoholdap sa ahente ng sigarilyo sa karatig na lungsod

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.