Lalaki patay sa pamamaril sa QC

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2018 09:06 AM

MAYNILA - Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki ng pagbabarilin sa Batasan Hills, Quezon City, ngayong Huwebes.

Ayon kay Superintendent Joel Villanueva, hepe ng Quezon City police, dead on the spot ang biktimang binaril sa Freedom Park sa Batasan. 

Tinatayang 50 hanggang 55 anyos ang lalaki, nasa 5'2" o 5'3" ang tangkad, at may tattoo sa kanang balikat.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.