Guro kulong matapos manghipo ng estudyante

Junrey Nadela, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 06:28 PM

Nakakulong ngayon ang isang guro matapos umanong manghipo ng kanyang estudyante sa Cebu City.

Isang guro ng isang unibersidad sa Cebu City ang ikinulong nitong Miyerkoles matapos umano manghipo ng kanyang estudyante.

Nagreklamo sa Womens Desk sa Station 2 ng Cebu City Police Office ang biktima nitong Martes matapos umano siyang yakapin at hipuan sa maseselang bahagi ng katawan ng kanyang guro.

Ayon kay Chief Insp. Maria Teresa Macatangay, hinuli ang guro sa pamamagitan ng Citizens' Arrest sa loob ng eskwelahan, kung saan tumulong ang pulisya sa pagaresto.

Tumanggi muna ang pulisya na pangalanan ang suspek. 

Dagdag ni Macatangay, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa kaso. 

Itinanggi naman ng guro at ng kanyang pamilya ang paratang ng estudyante laban sa kanya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.