Ilang lugar sa Las Piñas, Parañaque, Pasay pansamantalang mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2017 06:10 PM

Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Las Piñas, Parañaque, at Pasay mula alas-nueve ng gabi Miyerkoles hanggang alas-siyete ng umaga Huwebes. 

Ang mga apektadong lugar ay ang mga sumusunod:

Las Piñas:

  • CAA
  • D. Fajardo
  • E. Aldana
  • Ilaya 
  • Manuyo Dos
  • Manuyo Uno

Parañaque:

  • Baclaran
  • BF Homes
  • Don Galo
  • La Huerta
  • Moonwalk
  • San Dionisio
  • San Isidro
  • Sto. Niño
  • Tambo

Pasay:

  • 10-13
  • 24-32
  • 38-40
  • 76-79
  • 145-179
  • 181
  • 183-200

Ayon sa Maynilad, magsasagawa sila ng maintenance activity sa Pasay Pumping Station.

Nag-abiso ang Maynilad sa mga residente ng apektadong lugar na mag-imbak na agad ng tubig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.