Motorsiklo ng 'delivery boy', nagliyab sa EDSA-Kamuning flyover

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2017 05:24 PM

Biglang nagliyab ang isang motorsiklo ng delivery boy sa EDSA-Kamuning flyover southbound sa Quezon City nitong Lunes ng umaga, Agosto 7.

Kuwento ng rider na si Zimmer Mapili, delivery boy ng isang fast food chain, magde-deliver sana siya ng pansit sa Cubao nang bigla na lang umapoy ang unahang bahagi ng motor. 

Mabuti na lamang aniya at naka-helmet siya at hindi nasunog ang kanyang mukha. 

Nakatalon din siya agad mula sa nagliliyab na motor at hindi rin nasugatan. 

Hinala niya, nag-short circuit o nagkaproblema sa wiring ng motorsiklo. 

Hindi niya alam kung ano ang year model ng kanyang minamanehong Luckystar na motor na may plakang 7405 TK.

Dahil naman sa sobrang traffic sa EDSA, kusa na lang namatay ang apoy dahil natupok na nang lubusan ang motorsiklo bago pa nakarating ang mga bumbero.

--Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.