ALAMIN: Saradong kalye sa Agosto 8 dahil sa ASEAN

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2017 09:00 PM

Nag-abiso sa mga motorista ang National Capital Region Police Office at Metropolitan Manila Development Authority tungkol sa isasarang bahagi ng Roxas Boulevard sa Martes, Agosto 8.

Para ito sa ika-50 ASEAN Foreign Ministers' Meeting at grand celebration ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN.

Simula alas-2 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi, hindi madadaanan ang southbound lane ng Roxas Boulevard, mula P. Burgos hanggang Buendia. 

Sarado rin ang CCP Complex at magiging 'ASEAN Delegates only' zone ito, o tanging mga delegado lang ng ASEAN ang papayagang makapasok.

Ipatutupad din ang total truck ban.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.