Skills sa trabaho, pagpapatakbo ng negosyo, itinuturo sa 'TVL' track

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2017 03:06 PM | Updated as of Aug 06 2017 09:28 PM

Umabot na sa mahigit 560,000 estudyante ang kumuha ng Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track sa pagpasok nila sa senior high school.

Paliwanag ng Department of Education, karamihan sa mga estudyante, gusto nang kumita habang nag-aaral o bago magpatuloy sa kolehiyo.

Isa si Hendriex Ramos sa mga estudyanteng pinili ang track na ito, dahil ayon sa kaniya mas praktikal na matuto ng skills na mas makatutulong sa paghahanap ng trabaho.

Isa lang ang TVL sa apat na tracks sa senior high school na puwedeng pagpilian ng mga estudyante.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.