KBP, nagtanim ng iba-ibang uri ng puno at halaman

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2017 09:00 PM

Iba-ibang uri ng puno at halaman ang tinanim ng mga miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa Mabitac, Laguna.

Mga puno ng narra, mangga, at sampaloc ang ilan sa mga itinanim ng mga miyembro ng KBP na inaasahang bubunga pagkatapos ng tatlo hanggang limang taon.

Ipinagmalaki ni KBP president Herman Basbanyo na sa walong taon ng kanilang tree-planting activity, higit isang milyong puno na ang kanilang naitanim sa iba't ibang bahagi ng bansa.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.