7 arestado sa pagbebenta ng mga 'endangered' na ibon sa Quiapo

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2017 12:36 AM

Arestado ang pitong lalaki na nagbebenta ng mga endangered species ng ibon sa paligid ng Quiapo Church sa Maynila, Biyernes ng hapon.

Sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation - Environmental Crime Division at ng Department of Environment and Natural Resources, naaresto sina Francis Alcuizar, Benedict Aquino, Jimmy Gonzales, Juanito Santiago, Joel Angeles, Jestoni Aquino, at Rommel Gonzales.

Nakumpiska sa kanila ang tinatayang 300 ibon na ibinibenta nila ng P500 kada pares.

Nahaharap ang pitong lalaki sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.