3 patay matapos maaksidente ang sinasakyang kotse sa Tacloban

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2017 06:29 PM

Patay ang 3 lalaki matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang kotse sa Tacloban City. Photo courtesy of Tacloban City Police Office-Traffic Section

TACLOBAN CITY- Patay ang 3 lalaki matapos maaksidente sa Maharlika Highway, Tacloban nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Stephen Sia, Lloyd Macday, at ang driver na si Jeff Sambo Querdo.

Nadala pa sa ospital ang 3 biktima ngunit agad din silang namatay habang ginagamot.

Ayon kay SPO4 Antonio Salas, hepe ng Traffic Section ng Tacloban City Police Office, self accident ang nangyari matapos magtangkang mag-overtake ng drayber ng sasakyan ngunit pumutok ang gulong nito at nawalan ng kontrol ang driver.

Bumangga ang sasakyan sa gutter at sa poste ng kuryente.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamilya ni Sia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.