Lalaki, patay sa barilan sa Maynila

Angel Movido, ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2016 11:21 PM

MANILA - Patay ang isang lalaki at sugatan ang dalawa pa matapos umanong makipagpalitan ng putok sa isang pulis.

Naganap ang barilan sa Singalong Street corner Fermin, Barangay 724, Zone 79, Malate, Maynila. 

Ayon kay Chief Insp. Paulito Sabulao ng PCP Adriatico, nagsasagawa siya ng barangay visitation nang mapansin ang tatlong lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Kita sa kuha ng CCTV camera na nang lapitan ni Sabulao ang tatlo para sitahin, biglang bumunot ng baril ang isa sa mga nakasakay sa motor, kung kaya’t inunahan na ni Sabulao ng putok ang mga ito.

Idineklarang “dead on the spot” ang lalaki na nakasuot ng asul na pantaas. Hindi naman nagtamo ng sugat si Sabulao. 

Nakatakas ang dalawang kasamahan ng nasawi. Wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek. 

Ayon sa mga opisyal ng barangay, maaring ang tatlong suspek ang may pakana sa naging talamak na holdapan sa lugar.

Nakuha sa crime scene ang ilang basyo mula sa 9mm na kalibre na baril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.