Fish wars: Seabass, panlaban sa tilapiang gloria

Joanna Tacason, ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2016 09:53 AM

DAGUPAN CITY, PANGASINAN - Pinaparami sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources - National Integrated Fisheries Technology Development Center (BFAR-NIFTDC) ang Seabass, isang uri ng isda na ginagawang "biological control agent" panlaban sa isdang "molmol" o mas kilala sa tawag na "tilapiang gloria."

Puwede itong ilagay o pakawalan sa ilog at fishpond dahil kinakain nito ang maliliit na isda o anumang invasive species.

Higit 40,000 na similya ang pinapalaki sa BFAR-NIFTDC, at abot sa 1,000 breeders ang nasa hatchery.

Mga mangingisda, problemado sa 'tilapiang may nunal'

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.