#WalangPasok: Suspensiyon ng klase sa Martes, Agosto 1

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2017 07:35 AM | Updated as of Aug 01 2017 09:38 AM

MANILA - (UPDATED) Walang pasok sa mga sumusunod na lugar ngayong Martes, Agosto 1, dahil sa masamang lagay ng panahon.

Lahat ng antas
Itogon, Benguet

Pre-school hanggang senior high school
Baguio City
Rodriguez, Rizal

Pre-school hanggang grade school
Tublay, Benguet

Pre-school
Kapangan, Benguet

Nitong nakaraang linggo, nagpaulan ang mga bagyong "Gorio" at "Huaning" sa malaking bahagi ng bansa.

Nakaalis na ang 2 sama ng panahon sa Philippine Area of Responsibility, pero patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon ngayong araw dahil sa habagat, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa 6 a.m. bulletin nito, nag-abiso ag PAGASA na iiral ang maulap na kalangitang may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Makararanas naman ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitang may mga pulo-pulong mga pag-ulan.

Bumisita sa ABS-CBN Weather Center para sa updates tungkol sa lagay ng panahon.