'Tulak ako, wag pamarisan': Bangkay, tinapon sa gilid ng highway

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2016 11:02 AM

MANILA - Isang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng highway sa Kalayaan Avenue, Makati Biyernes ng madaling araw.

Balot na balot ito sa garbage bag at packing tape. Isang motorista umano ang unang nakakita dito.

May karatulang iniwan malapit dito na may nakasulat na "TULAK AKO. WAG PAMARISAN."

Nang buksan ng SOCO ang balot, tumambad ang bangkay ng lalaking walang pagkakakilanlan.

Di masigurado kung taga-Makati ito o dito lang itinapon ang bangkay niya. Walang narekober na mga gamit sa bulsa niya.

Ayon sa pulisya, ito ang unang kaso ng summary execution sa lungsod.

April Rafales, ABS-CBN News