SAPUL SA VIDEO: Rumaragasang baha sa Occidental Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2018 05:04 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv
Kuha ni Bayan Patroller Jennifer Mayuga

Nagdulot ng baha ang umapaw na Culi-culi River sa Barangay Armado, Abra de Ilog, Occidental Mindoro nitong Sabado ng hapon matapos ang malakas na bugso ng ulan.

Makikita sa video na kuha ni Bayan Patroller Jennifer Mayuga ang mabilis na agos ng tubig na may kasamang putik. 

Kinumpirma ni Geoffrey Panganiban, opisyal ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), ang pag-apaw ng ilog.

Ayon kay Panganiban, pasado alas-7 Biyernes ng gabi hanggang tanghali nitong Sabado nang muling bumuhos ang malakas na ulan sa lugar na nagbunsod sa pag-apaw ng ilog at pagragasa ng tubig mula sa kabundukan. - Bayan Mo, Ipatrol Mo 

Watch more in iWantv or TFC.tv
Kuha ni Bayan Patroller Jennifer Mayuga

Patuloy namang nag-iikot ang MDRRMO at ilang mga kawani ng barangay para alamin ang sitwasyon ng mga residente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.