Bagong skyway malapit sa NAIA-X, 1 buwang walang toll

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2017 09:52 PM

Libre sa loob ng isang buwan ang pagdaan sa bagong skyway section malapit sa Ninoy Aquino International Airport Expressway.

Sinimulan kahapon ang libreng toll at hindi muna siningil ang mga motorista sa P20 na bayad.

Ayon sa SMC Infrastructure, bahagi ito ng pag-aaral nila kaakibat ang Department of Transportation (DOTr) para sa pag-integrate ng toll collection sa pagitan ng skyway at NAIA-X at pagpapabilis ng pagbiyahe ng mga motorista. 

Samantala, inanunsiyo naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na aprubado na ng DOTr at Civil Aeronautics Board noong Hulyo 13 ang resolusyon na nagbibigay ng 20% diskuwento sa online booking para sa domestic flights sa senior citizens at persons with disabilities.

Ani Abella, inaasahan ang mga airline company na mag-implement ng 'virtual system' na magbibigay ng diskuwento sa online transactions pagkatapos ng dalawang buwang maging epektibo ang resolusyon.

"Meanwhile summary of amount indicating the 20% percent discount should be presented to the senior citizen before the completion of transaction," aniya.

"In return, necessary IDs are expected to be presented."

Pahayag ng DOTr, epektibo na ang diskuwento sa Setyembre 28, 2017.

--Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.