#MayPasok sa Quezon City ngayong Huwebes, Hulyo 27

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2017 06:23 AM

May pasok sa mga paaralan sa Quezon City ngayon araw ng Huwebes, Hulyo 27.

Ayon kay Vice-Mayor Joy Belmonte, naghintay siya kasama ang hepe ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng siyudad na si Michael Marasigan, sa report ng PAGASA bago nagdesisyon kung sususpendihin ang klase sa lungsod.

"Ayon sa advisory ng PAGASA, hanggang 6 a.m. lang ang thunderstorm... iyung parents, exercise na lang nila ang kanilang prerogative," ani Belmonte sa panayam sa DZMM Teleradyo Huwebes ng umaga.

 

Ayon kay Belmonte, sumang-ayon siya sa desisyon ng DRRMO at hindi dapat sila nagdedeklara batay lamang sa "bandwagon effect".

"Noong araw, maagang nag-dedeklara at umaaraw, madami din ang nagba-bash na parents," ayon kay Belmonte.

"Tingin ko, dapat based talaga doon sa scientific information na iabiso sa atin ng PAGASA at Department of Science and Technology (DOST)," dagdag niya Belmonte. 

 

Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA alas-5 ng umaga, mararanasan sa Kamaynilaan at mga karatig-pook ang pag-ulan kasama ang pagkulog at pagkidlat sa loob ng dalawang oras.

Inaasahan din ang maghapon na pag-ulan sa Kamaynilaan dahil sa habagat, dagdag ng PAGASA. - DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.