Batang suspek sa rape-slay ng 5-anyos na babae, haharap sa kasong murder

Doland Castro, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2017 06:57 PM

Isinailalim sa inquest nitong Martes ang isang 13 anyos suspek sa panggagahasa at pagpatay ng isang 5 anyos na babae sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Linggo.

Ayon kay Supt. Fitz Macariola ng SJDM Bulacan Police, sinampahan na rin ng kasong murder ang batang suspek.

Matapos ang inquest, iniutos ng piskal na i-turn over ang suspek sa isang Department of Social Welfare and Development shelter para sumailalim sa isang programa.

Nahuli sa CCTV ang 13 anyos na suspek na siyang may dala ng sakong umano’y pinaglagyan ng bangkay ng isang 5 taong gulang na babae.

Nakunan rin na kasama niya ang bata nang pumasok sa isang bahay. Paglabas ay hindi na kasama ng suspek ang biktima pero may dala na itong sako.

Nakuha ang bangkay ng biktima na nasa isang sako at itinapon sa isang bakanteng lote.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.