11 isyung nais marinig ng netizens sa SONA 2016

Bayan Mo, I-Patrol Mo

Posted at Jul 25 2016 12:45 PM | Updated as of Jul 25 2016 02:53 PM

Tinanong ng Bayan Mo, I-Patrol Mo ang mga netizens kung ano ang mga isyung nais sana nilang talakayin sa unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte. Narito ang ilan sa mga isyung nais nilang tutukan ng Pangulo sa kanyang SONA:

1. Mga isyung may kinalaman sa paghahanap-buhay gaya ng contractualization, dagdag na sahod, at pag-aalis ng age limit sa mga nais magtrabaho

2. Mga reporma sa larangan ng edukasyon

3. Isyu ng korupsyon sa pamahalaan

4. Mga hakbang pang-ekonomiya gaya ng reporma sa buwis at pagbabayad ng utang ng bansa

5. Mga aksyon sa mga hamong kinakaharap ng mga OFW

6. Posibilidad na maibalik ang Death Penalty

7. Usapin ng kriminalidad

 

8. Mga hakbang na aagapay sa agrikultura

9.Paninindigan sa isyu ng West Philippine Sea

10.Mga plano sa larangan ng kalusugan

11. Traffic at transportasyon

Ano ang mga isyung gusto n’yong tutukan ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ngayong araw? Ibahagi ang komento.