Snatcher, arestado sa Pasay City

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2017 04:29 AM

Isang cellphone snatcher ang inaresto sa kanto ng F.B. Harrison at Gil Puyat sa Barangay 24, Pasay City, Lunes.

Kinilala ang suspek na si Henry Galleta, 37 anyos at nakatira sa Pasig City.

Ayon sa report ng pulisya, nakatambay sa kanto ang babaeng biktima nang hablutin ng suspek ang cellphone nito na nagkakahalaga ng P30,000.

Agad namang naisumbong ng biktima ang insidente sa mga barangay tanod na nasa lugar at naaresto ang suspek.

Nabawi din ang cellphone ng biktima at dinala na sa Pasay Police Station ang suspek at mahaharap sa kasong theft. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.