Motorcycle rider, sugatan matapos salpukin ng kotse sa Maynila

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2017 02:47 AM

Isang motorcycle rider ang sugatan matapos salpukin ang kanyang sinasakyan ng isang kotse sa northbound lane ng Roxas Boulevard corner U.N. Avenue sa Maynila.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng motorcycle rider na kinilalang si Viequer Beid ang kahabaan ng Roxas Boulevard patungong Kalaw, at nang patawid na ito sa bahagi ng U.N. Avenue ay biglang sumulpot ang isang kotse na minamaneho ni Jesus Cesar Manapanao.

Sumalpok ang kotse sa motorsiklo ni Beid na tumilapon. Nasira naman ang harapang bahagi ng kotse.

Aminado si Mapanao na siya ang may kasalanan, dahil tumawid pa din ito sa intersection kahit nakapula na ang traffic light sa lugar, ayon sa imbestigador.

Nagtamo ng sugat sa tuhod si Beid. Agad namang dumating ang isang rescue group at nilapatan ito ng paunang lunas bago dinala sa ospital.

Dinala sa Manila Traffic Sector si Mapanao na posibleng sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property at physical injuries. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.