PAGASA: LPA namataan, pag-ulan sa SONA asahan

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2016 01:52 PM

Fernando G. Sepe Jr., ABS-CBN News

Posibleng ulanin ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Duterte sa Lunes, ayon sa PAGASA.

Sa pagtaya ng ahensya, malaki ang posibilidad ng pag-ulan lalo na sa hapon hanggang gabi.

Isang low pressure area (LPA) rin umano ang namataan sa silangan ng Baler, Aurora.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Obet Badrina na magdadala ang LPA ng hanggang katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at mga lalawigan ng Aurora, Nueva Ecija, Bulacan at Quezon.

Malabo anyang maging maging bagyo ang LPA dahil malapit na ito sa lupa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.